| Gallery of works (poems, art works, etc.) of the Tuloy kids |
|
home > tuloy kids > batang tuloy yan! > poetry > AHON BATANG LANSANGAN
| |
Poetry |
| |
ni Monte
Ang mga batang lansangan
Ay laging may problems,
At laging naghahanap ng mga makakain,
At ´di alam kung saan pupunta,
At ´di rin alam kung saan matutulog,
Hirap sa araw, hirap sa gabi,
Minsan malungkot, minsan masaya,
Nguni´t kahit anong mangyari, mahal pa rin kami ng Diyos.
Mga batang lansangan ay laging nasa labas,
Ulan, tag-araw ay laging tinitiis,
Hapdi at kirot ng tiyan ay laging nararamdaman,
Nguni´t alam naming kami ay anak rin ng Diyos.
Mga batang lansangan buhay ay nasa panganib,
At malapit sa disgrasya,
Araw at gabi ay laging nabibilang
Dahil sa hirap ng buhay…
Nguni´t minsan masaya
Kasi alam namin na gawa rin kami ng Diyos.
Back to Top
|
|