| Gallery of works (poems, art works, etc.) of the Tuloy kids |
|
home > tuloy kids > batang tuloy yan! > poetry > TULOY
| |
Poetry |
| |
ni Bert
Sa aking paglalakbay minsan pa sana´y
Makita ko ang liwanag ng pag-asa,
Pangarap na kay tagal kong minimithi
Na pag-ibig mo´y aking makamtan.
"Tuloy", Tuloy ang ´yong pangalan,
Sa pag-ibig ni Maria
Ikaw ngayo´y aking natagpuan;
Busilak mong puso´y nag-aalab
Sa mga batang kapus-palad;
Liwanag mong dala´y para sa lahat,
Taglay mong ning-ning
Ay kasing ganda ng bituin.
"Tuloy," Tuloy ikaw ang aming pag-asa;
Dahil sa iyo buhay ay nagbago;
Sa turo mo´y walang hihigit;
Kabanalan mo´y hinding-hindi malilimutan,
Bagkus ay aming tutularan.
O Tuloy, kay sarap ng buhay
Kung ika´y kasama;
Sa dulang mo ako mahihimlay;
Taos puso kong pasasalamat
sa iyo´y iaalay;
Kabataa´y walang humpay sa paghiyaw,
Pangalan mo ang isinisigaw,
"Tuloy" ang pag-asa,
Pangarap ng bawa´t isa.
Buong buhay ko hindi kita pansin,
Pero kahit anong gawin
Nand´yan ka pa rin;
Ngayon ko lang nakita
Pagmamahal mong kay tamis;
Dahil sa iyo umikot aking mundo;
Dahil sa iyo buhay ay nabago.
Back to Top
|
|